Monday, August 19, 2013

Dakilang Lampa

“Makulay ang buhay sa skul!” College Day na naman at wala na namang pasok. Ang buhay nga naman oh, parang kaylan lang! Ang tema ngayun: “Building strong ISCOF-SEC through Sports.”

Lampa! Lampa! Tukso ng mga bata. “Yun ang tawag sa akin”. “Hindi kasi ako mahusay sa isports.”

“Ako nga pala si Roy. 5’10 ang taas, maputi, pang model ang katawan, at Simpatiko”. “Yun ang napanaginipan ko kagabi.”

“Pero may maganda akong kuwento, para lang sa inyo.”

“Minsan, noong kapanahunan ni FVR, may isinilang na supling sina Lourdes at Ricardo. Medyo maliit ang bata, kasing liit lang ng isang litrong coke. Pero nakitaan na nang pagiging henyo. Isang taun ang lumipas at nakapagsalita na ito. Tatlong taong gulang nang masaulo ang alpabeto. Apat na taun, alam na ang pangalan ng ibat-ibang bansa at mga capital nito.”

“Kilala nyo ba ito? Ako nga, ang dakilang pobre. Dakila dahil sa mga katangiang ito, pero pobre dahil wala man lang tsiks na nagkamali na sagutin ako. Huhuhuhu, ang saklap.”

Isang araw, “Hoy lampa, wag ka dito, doon ka!” PE class namin kay Mrs. Castañeda at kasalukuyang kaming nagpipilang magkakalase!” Si Ramon iyon! Ramon Tuhog kung tawagin, klasmeyt ko at Varsity Player ng Basketbol. “Ayaw ko sa mga walang sinabi at lampa!” Maguumpisa na sana ang palaro kaso, tinadyakan niya ako. Ayoko namang ipilit ang sarili ko sa ayaw sakin. Sinabi ko na lang na..”Balang araw, magiging malakas rin ako.

Hindi naman laging masama ang mga pangyayari dito. Masabi ko ito dahil nandyan si Marianne, ang maganda kong kaklase at musa ng paaralan. Siya ay maputi, makinis, at balingkinitan. Magkaklase rin kami at magkapalagayang loob. “Huwag kang paapi kay Ramon bespren Roy!” “Nakakahalina ang kanyang tinig.”

Nang sumunod na araw, habang nasa paaralan ang mag-aaral, biglang dumilim at kalangitan at tumunog ang sirena. Dumating na si Labuyo! Dumating na si Labuyo! “Sino ba yun?” Ang bagyo dumating na! Umaapaw na ang Agutayan! Basang-basa na si Mang Kepweng, ang matandang albularyung nakatira malapit sa paaralan. Sumisigaw ito at nagtatakbo papalikas sa mataas na lugar.

Nagsipaguwian ang mga istudyante. Maaring hindi matuloy ang palaro sa College Day dahil sa bagyo. Papauwi na rin si Roy nang bigla siyang nakarining ng saklolo..”Tulong! Tulong po! Si Ramon pala iyun, nakita nya na nadaganan pala ito ng nabuwal na punong mahogani. Nakita siya nito..”Roy, ikaw pala, tulungan mo naman ako! Pangako, hindi na kita lalaitin.” “Hindi mu na kailangang sabihin pa iyon Ramon.” Kusa nga siyang tinulungan nito.

“Aaahhhhh!, hindi ko yata kaya ito, teka! May naisip ako.” Dagliang pinulot ni Roy ang baging na naanod ng tubig, ipinabitin niya ito gaya nang isang pulley! At dahan-dahang ipinuwersa ito pababa sa bahaging napagtutu-onan ng pabitin. Bumigay ang kahoy na nakapatong kay Ramon, at kumawala si ito. “Salamat Roy! Kundi dahil sa iyo, namatay na ako!.” ..“Walang anuman Ramon! Sigurado ako na ganoon din ang gagawin ng iba sa ganitong sitwasyun!”..”Salamat ulit!”..”Huwag mo nang isipin iyun!”..”Hindi! Hindi na kita tutuksuhin!”..”May gusto sana akong sasabihin sa iyo Ramon, kung mamaari!”..”Cge, sabihin mu!”..”Gusto ko lang malaman mo na hindi porke’t lalampa-lampa ang isang tao ay mahina na ito! Ginawa tayo ng diyos na may kanya-kanyang katangian na bukod tangi sa iba. Maaring malakas ka nga pero may mga gawain na hindi mo naman makakaya gaya ng iba. Katulad natin, Kailangang tanggapin natin ang ating pagkukulang at kahinaan upang mapunuan ito nga ibang katagiang mailahalintulad dito.”..”Ngayun, naunawaan ko na.”

Pagkatapos ng unos ay bumalik na sa normal ang lahat. Nag try-out si Roy sa badminton, at kinuha siyang player ni Sir Catalogo para sa Regional SQUAA meet. Magaling naman talaga si Roy eh, pandak nga, mabilis naman, hindi kasinlakas ni Hercules, pero kayang makipag-smash ng shuttle cock.

Naging magkaibigan na sina Roy at Ramon. Nagtulungan sila at maaring maipagtagumpayan nila ang kani-kanilang pakikipagsapalaran sa larangan ng isports at sa tunay na buhay. Ito ang patunay na ang tunay na lakas ay namamayani hindi lamang nagmumula sa isang tao, subalit kung tayo ay magtulungan at magkaisa, iyun ang totoong lakas na magbubuklod sa atin patungo sa tagumpay.


Written by: Ian P. Sugatan
Interpreted by: Roy Sanchez

No comments:

Post a Comment