Pagbabalik-Tanaw
Paminsan-minsan may isang malungkot na katotohanan and
pirming sumisilaw sa akin, sa kung paano mag-isip, gumawa ng isang makabuluhang
bagay, na may silbi at di nakakawalang-puri sa aking sarili, na may matinding
pangangailangan, sa mga bagay na nangyayari sa aking paligid. Ah, talaga naming
magtatagal pa ang di ko nauunawaan sa aking pagmumuni-muni. Subalit, ang lahat
ng ito ay sadyang temporary lamang, at di permanente. Ang dalisay na
pagkadakila ay siyang sakripisyung nababatid, hindi manlilinlang at mabuti ang
hangaring mapaunlad ang inang bayan.
Saan ng aba ako magsisimula? Batid ko man na ang lupang ito
ay may sakit! Ng kung ano ang maaari kong isipin at gawin ay huli na, ang pagsagip
sa aking sarili ay siyang uunahin? O ano ng aba ang magagawa ko gayung ako ay
isa lamang hamak at dalita?, ituwid ko man ang aking pasiya, at lumikha ng pagsisikap
para hinaharap ay anung layun nito?
May natitira pa ba para sa akin at sa aking kapatiran na
nagsusumikap din? Dapat ko bang malaman na maging payat, mataba, guwapo, at
pangit ay sadyang may tinuran sa pagkapantay-pantay? maging isa kaya akong
pulubi sa aking sariling bansa? Ano ba ito para sa akin, isang ba lamang laro,
o aksidenteng kalayaan? Muli, humihingi ako ng patawad sa hindi dapat maging
isang pagkakapanulo sa inang bayan, sadya lamang akong marupok, isang madla sa
gayon na magsalita, hindi perpekto, gayung ang halinghing ko ay tinuran sa
pagkapagod.
Dapat na ba akong gumising sa pagkapariwara?, Gayung madalas
umagaw sa aking balintataw, Dapat na ba akong gumising sa kawalang-muwang kapag
nag-aalok ng mga taong maiitim ang budhi at maliitin ang aking hinahangad?
Dapat na ba akong magtagal sa isang hangaring Yutopyang lipunan, kung saan ang
perpektong pag-iisip nito’y sanhi ng kayabangan, ng hindi siguradong pagi-intindi,
mananamba ng diyos-diyosan, o kahit na isang tasa ng palayok sa hurnuhan, ay
siyang karapat-dapat ng ibinabato sa isang tumpok ng mga aso, na naghihintay na
dakpin, ngunit nabigo? Oh, Kahabag-habag naman.
Kapag tumingin ako sa aking sarili sa salamin, ang aking
imahe ay karaniwang napupunta sa ibang repleksyun. Ang nakikita kong positibong
bagay, ay tiyak na nasasadlakan ng abuhing hurnuhan. Ako ay isang malakas na
kalaban ng isang mahabang talakayan, ngunit ang punto ay, sa pamumuhay sa
sariling bansa, na ang paggawa ay mapagtanto ang kumplikadong mundo, ika nga,
malayo pa ang umaga.
Bilang mamamayang alipin sa isang panaginip, prinsesang-pulubi,
harinawang mauntog at magising sa isang katotohanang alumpihit at sa iniwaksing
pagkadakila.
O, maunawaing ama, kami po ay sakdal sa pagkahandusay,
subalit kami ay siya ring nanalig sa iyo. Bilang mga anak niyo, kami po ay
bigyang awa, na siyang magsisilbing gabay at patnubay sa paglalakbay na ito,
Amen.
No comments:
Post a Comment