Tuesday, December 1, 2015

Romeo and Juliet… And Another Romeo?!


Opening

Introducing of the Casts

1. Ross Rica Palmes as Anne Baliw

2. Nichole Catigan as Vice Walang ganda

3. Karen Parpan as Kim Chunga

4. Mary Faith Casas as Colin Tingkuling

5. Zyra Gregorio as Alex Daw tanga

6. Kiesel Pleñago as Karyll Nadiskarel

7. Rogie Cerdania as Vhong Palong

8. Reno Semacio as Billy walang bilbil

Intermission Number

Karen and Rogie

Sine mo to

Rica: Gusto nyo ba ng istorya?

All: (shout) istorya, istorya , istorya.

Rica: Ok, lights camera action.

Nichole:( tagapagsalaysay) ang istorya natin ngayon ay pinamagatang Romeo and Juliet and another Romeo?! At ang mga tauhan sa istoryang ito ay sina :

*Anne Baliw as Juliet

*Vhong Palong as Romeo

* Billy Walang bilbil as another Romeo/Romea

*Kim Chunga as Juliet’s nanny

*Colin Tingkuling as Madiir (the Nun)

*Alex daw Tanga as Praningning( Juliet’s sister)

*Karyll Diskarel as Luningning(Romeo’s bestfriend)

Ang Istorya

1st scene:

Tagapagsalaysay:Throwback 20 years ago, Juliet and another Romeo were playing in the garden.

Juliet: Romeo! Romeo! Laro tayo! Ahmmm.. (with Facial expression)

Another Romeo: Malandi!

Juliet: Hindi ato malandi aa!

Another Romeo: Wag kang pabebe!

(Wag kang pabebe dance by Nichole and Rogie:chorus only)

Juliet: Ako ay pabebe girl at wala kang pakialam!

(Wag kang pabebe dance by Nichole, Rogie, and Rica:chorus only)

Tagapagsalaysay: Nang biglang napadaan si Romeo at si Luningning.

Romeo: Uy! Pabebe oh!

Luningning: Uuuyyy! Bagay ha! In fairness!

-----EXIT -----

2nd scene:

Tagapagsalaysay: Sa kasalukuyan, pagkatapos ng dalawampung taon sila ay nagdalaga at nagbinata.

Nanny: Hulietaaa! Tok tok tok..Anong oras na?!(Katok ng katok sa pintuan ni Juliet)

(Juliet yawning)

Nanny: Julieeeet!!! Anong oras na sabi eh??! Tok tok tok..

Tagapagsalaysay: Sa sobrang inis ni Juliet ay walang alinlangang binuksan ang kanyang pintuan sabay hawak sa pisngi ng kanyang yaya.

Juliet: Yaya! Wala sakin ang orasan! Nasa kusina! Shunga lang teh?

Nanny: Hindi ko kelangan ang orasan. Ang ibig kong sabihin tanghali na tulog kapa rin! Si Romeo nasa labas sinusundo ka.

Praningning: Ate?.. (takot na takot) Sinusundo kana? Ate wag mo kaming iwan ni yaya.. Ate?(luluhod) Maawa ka ate. Wag mo kaming iwan!(iiyak)

Juliet: Praning ka talagang bata ka.

-----EXIT -----

3rd scene:

Tagapagsalaysay: Sa kabilang dako ng mundong ibabaw, si Romeo ay cool na cool with shades kasama ang kaibigang mejo alalay na si Luningning.

(background music: chinito habang naglalakad si Romeo)

Romeo: Haha! Gwapo ko talaga! Diba Luningning? Yeah! Rock’n’roll to the world!Hooo!(Pabebe wave)

Luningning: Alright!Hooo! Andami mong gamit Romeo. Kailangan ba ako lahat magdala nito?

Romeo: Bestfriend tayo diba? (Pabebe wave ulit)

Luningning: Gwapo mo Tol! Hooo!

Romeo: Kilala mo si Juliet jan sa kabilang kanto?

Luningning: ha? Sino?

Romeo: Yang mejo maganda, mejo matangkad. Maya-maya makikita mo din siya. Oh! Ayan na siya oh!

----- EXIT -----

4th scene:

Tagapagsalaysay: At nakita na nga si Juliet. Ay! Hindi pa pala siya makita kasi nga hindi siya medaling makikita.

(background music:new thang entrance of Juliet and another Romeo with dancers)

Romeo: (Lumapit kay Juliet) Ahmm.. Hi Juliet.(Pabebe wave)

Juliet: Hi. (pabebe wave)

Romeo: Pwede bang malaman ang pangalan mo?

Juliet: huh?

Tagapagsalaysay: At biglang eeksena si Romea.

Another Romeo: Hi! (shake hands) Ako nga pala si.. Romeo.

Juliet: Hoy Romeo,umayos ka nga.

Romeo: Ha? Sinong kinakausap mo?

Juliet: Ikaw! Nakita mo sayo ako nakaharap?!

Romeo: Labo mong kausap!

Juliet: Ako din hindi ko rin maintindihan ang sinasabi ko.

-----EXIT-----

5th scene:

Tagapagsalaysay: Araw ng lingo, nagsimba sina Romea, Juliet, at Praningning.

Madiir: Bago lang kayo dito?

Romea: Ay hindi po, luma na po kami dito.

(hinampas ni Juliet)

Juliet: Opo, ngayon lang po kami nakasimba.

Tagapagsalaysay: At biglang dumating sina Romeo at Luningning.

Romeo: (binulungan si Juliet) Juliet dito kita pakakasalan balang araw.

Juliet: Huh? Anong sabi mo?

Romea: (pumagitna kina Romeo at Juliet) Wala syang sinabi friend.

Romeo: Meron! (pasigaw na sinabi)

Madiir: Hoy! Tumahimik kayo. Nasa simbahan kayo.

Praningning: Psst! (takot na takot) Siguro… Siguro… Siguro sinapian kayo ng masamang espirito noh?!

-----EXIT-----

6th scene:

Tagapagsalaysay: Nagkita-kita ang lahat sa disco at sumayaw ng sumayaw.

(music: New Thang)

Romeo: Ang galling mong sumayaw Juliet. Idol talaga kita.

Luningning: Hooo! Rock’n’roll to the world!

Praningning: Alright! Ansayaaa!

Nanny: (todong- todo sa sayaw) Mga anak dito muna tayo. After 10 years ngayon lang ulit ako nakapunta sa isang disco.

Hooo!

Juliet: Romea, friend, nahihiya ako. Andaming tao.

Romea: Hoy! Wag kanang umarte. Go lang ng go!

Tagapagsalaysay: Sa isang banda, nakita nilang todo bigay sa pagsayaw si Madiir. Unti- unting nilapitan ni Nanny sa Madiir.

Nanny: Mukhang ngayon lang tayo nakalabas sister ah.

Madiir: Ssshhh!. Tumakas nga lang ako kay father.

Nanny: Sana niyaya mo na lang si father para happy lang. Walang endiiing! Yeah!

Tagapagsalaysay: Habang sayaw ng sayaw ang lahat… palapit ng palapit si Romeo kay Juliet na siya namang agad napansin ni Romea.

(music: Love Story)

Praningning: Ang sweet nila noh? Noh Romea noh?

Romea: (galit na galit face)

Madiir: Anak, wag ganyan. Yaan mo na. I’m sorry.

Romea: Babala..

Madiir: Babalu.

Tagapagsalaysay: Akmang lalapit si Romea kina Juliet at Romeo.

Praningning: (pinatid si Romea) Yan! Bagay sayo yan! Epal! Siguro… siguro… siguro may pinaplano ka kay ate noh?!

Romea: Napapraning kana naman.

Tagapagsalaysay: At lahat ay nag-FREEZE… Freeze kayo guys freeze.. Except kay Romeo at Juliet. Unti- unting maglalapit ang dalawa.

(music: All of Me)

Hahawakan ni romeo ang pisngi ni Juliet at kukunin ang diamante sa mata.

Romeo: anu ba yan…andami mung muta Juliet, my sore eyes kba.,?

Tagapagsalaysay: unti-unti naman hahawakan at hihimasin ni Juliet ang buhok ni Romeo,ng bilang my nasama sa kuko nya,

Juliet: hindi ka dandruff free Romeo, ng shampoo kba.,? kung hindi, pwes gamiti mo tong head and shoulder para iwas dandruff.

Tagapagsalaysay: unti-unti nang hahalikan ni Romeo si Juliet ng bilang umiksina si Romea.

Romea:Juliet uwi na tayo,itong batang to ang harot2x

Juliet: diba ikaw din friend? Kaya nga friends tayo eh.

Romea: mag-aalas dose na kailangan na nating umalis

Tagapagsalaysay: tatakbo si Juliet(slow motion) at hahabulin ito ni Romeo,pero maiiwan ang isang sandal nito.

----EXIT---

7th scene:

Tagapagsalaysay: Nang nakauwi na sila sa kani-kanilang tahanan.

Sa kabilang dako:

Romea: Hindi ito maari. Hindi pwedeng mawala sa akin si Romeo.

Tagapagsalaysay: Hindi naman sayo si Romeo eh…

Romea: Tumahimik ka, Kasalanan ito lahat ni Juliet.

Tagapagsalaysay: At nakaisip ng bright idea…( Ting )

Romea: Papainumin ko ng expired na apple juice si Juliet para malason sya at mawala na ng tuluyan.(Evil Laugh)

8th scene

Tagapagsalaysay:Kinaumagahan, Pumunta si Romeo kina Juliet para maisakatuparan ang kanyang masamang balak.

Romea: (Katok)(tok…tok…)

Juliet: Oh napadalaw ka Romea?

Romea: May bago akong scary movie na dala dito tara manood tayo.

Juliet:Talaga? Tara doon tayo sa kwarto ko para maganda.

9th scene

Tagapagsalaysay: Sa kalagitnaan ng panonood nila ng Movie lumabas si Romea sa kwarto ni Juliet at lumabas ito sa bahay at nagbalatkayo bilang isang matandang babae para malinlang si Juliet at mapa inom ito ng expired na apple juice.

Romea(matanda): Umpisahan nyu na.

Juliet: (may narinig na ingay sa labas) Hoy umalis kayo dyan. Okay lang po ba kayo lola?

Romea(matanda): Maraming salamat iha, pakiusap tanggapin mo ang juice na ito bilang pasasalamat ko sa pag tulong mo sa akin. (Binigay ang Juice at biglang umalis)

Julie: (Bumalik sa loob ng bahay) Apple Juice? Paborito ko to ah, ang bait naman ng matandang yun.(ininom ang juice at nahimatay)

10th scene

Tagapagsalaysay: Sinugod si Juliet sa Hospital dahil sa food poisoning… nalaman ito ng mga kaibigan ni Juliet at pumunta sila lahat sa Hospital. Lahat sila nagbisita kay Juliet at nang magsi-alisan na sila lahat. Pumasok si Romeo sa kwarto kung saan si Juliet nagpapahinga.

Romeo: (Hinaplos ang noo ni Juliet) (hinga ng malalim) kung alam mo lang sana kung gaano kita ka mahal Juliet. Gumising kana jan oh? Di ko pa nga nasasabi sayo na mahal na mahal kita eh. (akmang hahalikan sana ni Romeo si Juliet sa Lips pero nailang ito at hinalikan nalang sa cheeks si Juliet).

Juliet: (Nagising at Nabigla) Hoy anong ginagawa mo? Tulong may manyakis dito!!! Ay ikaw pala Romeo? Akala ko kung sino na ang humalik sakin eh.(Umupo si Juliet sa kama)

Romeo: Juliet? Okay kana? (Yumakap kay Juliet) akala ko napano kana, Juliet, may ipagtatapat sana ako sayo.

Juliet: Ano yun Romeo?

Romeo: Mahal na mahal kita, kung okay lang sana sayo, pwede bang maging tayo?

Juliet: (Shock) Talaga? Mahal din kita Romeo.



Tagapagsalaysay: Kinuha ni Romeo ang naiwang sandals ni Juliet at pinasuot ito sakanya at niyakap niya si Juliet, and they live happily ever after. THE END.

Sandali meron pa nga palang Extra Scene.

Extra Scene:

Tagapagsalaysay: Bumalik si Romea sa bahay nila Juliet para kunin ang Expired na Juice para walang maiwang ibedensya. Naiwan si Praningning sa bahay kasi halos buong araw itong nasa kwarto nya na naglalaro ng kanyang mga laruan.

Romea: hay naku sana matuluyan na ang babaeng yun, nauuhaw ako!!! Asan na yung juice na yun?!!

Praningning: Uy? Kaninong Juice to? Swerte ko naman(Hehe). (Nilagay ang laman ng juice sa isang baso at iniwan sa mesa dahil kukunin pa ang kanyang Stuff toy sa kanyang kwarto)

Romea: (Naghanap sa buong salas pero wala na ito doon, pumunta sya sa kusina para uminom ng tubing nang makita nya ang baso sa mesa) Uy, may tubig… salamat naman maiibsan na ang uhaw ko. (Nahimatay)

Praningning: (Nakita si Romea) Romea? Uy Romea!!! ROMEA!!!! Wag mo kaming iwan ni ATE!!!! ROMEA wag KANG MAMATAY!!!!

Tagapagsalaysay: Sa totoo lang buhay pa si Romea, pero sana namatay na sya dahil sa ka ahasang ginawa nya sa Bestfriend nya. At dito nag tatapos ang ISTORYA!!! FREEZE!!!

No comments:

Post a Comment